
Sa Simula: Isang Simpleng Pangarap
Kami ay mga simpleng Pilipino na may pangarap para sa pamilya at komunidad. Lagi naming tanong sa aming sarili:
“Kailan darating ang panahon na makakapagbuo tayo ng kabuhayan na hindi lang para sa sarili, kundi para makatulong din sa iba?”
Hangad namin ang buhay na kasama ang pamilya, may sariling kita, at higit sa lahat — nakakapagbigay ng silbi at tulong sa kapwa.
Ang Ideya ng Juan Stop Shop
Habang nag-iipon at nag-aaral ng business, napansin namin na ang daming Pilipino, lalo na sa probinsya, ang hirap makahanap ng abordable at quality na produkto — mapa-essential man o gadget.
At dito nagsimula ang pangarap
Isang online store na hindi lang basta tindahan, kundi isang misyon — para sa bawat Juan.

Why “JuanStopShop”?
Kasi gusto naming gawing ONE STOP SHOP ang JuanStopShop para sa lahat ng kailangan mo. At higit sa lahat — Juan bilang simbolo ng bawat Pilipino
Whether taga-lungsod ka o probinsya, OFW o simpleng mamimili — may puwang ka sa amin.

Our Mission
Better. Faster. Affordable. — For Every Juan.
Better products na pinili at sinuri nang maayos
Faster delivery para hindi ka maghihintay nang matagal
Affordable prices para hindi mabigat sa bulsa
From Small Start to Big Heart
Maliit lang ang puhunan nung simula. Wala kaming bodega, wala pang team. Pero dala-dala namin ang isang malinaw na vision:
To uplift lives — one order, one seller, one barangay at a time.
Today and Beyond
Ngayon, unti-unti na naming naisasakatuparan ang pangarap

May mga agent na
Mga kababayan nating gustong kumita kahit nasa bahay lang, may pagkakataong magsimula ng sarili nilang sideline gamit ang JuanStopShop.

May sariling ecommerce site
Hindi na kailangang lumabas ng bahay para mamili. Lahat ng needs mo — from essentials to gadgets — isang click na lang sa JuanStopShop.ph.

May mga loyal customers na bumabalik
Sila ’yung patunay na kapag maayos ang produkto, presyo at serbisyo — babalik at babalik talaga si Juan.

Thank You sa Inyong Suporta
Kung isa ka sa mga bumibili, nagsheshare, nagrerefer, o sumusuporta — salamat po.
Hindi lang kayo customer — kayo ang dahilan kung bakit patuloy ang JuanStopShop.
“Ang JuanStopShop ay para sa bawat Juan na nangangarap, nagsusumikap, at tumutulong.”
Sama-sama tayong aangat.